Lunes na lunes, napagod ako. Di ko alam kung bakit. Siguro dahil sa kulang lang ako sa tulog, at dahil sa ubo’t sipon ko na namamahay na sa katawan ko ng mga isang linggo na..
Eto lang naman ang ginawa ko, pumunta ako sa skul ng mga 9-930, para magpasukat ng polo na gagamitin sa graduation.. Tapos tumambay sa lightroom.. Tapos nag lunch.. Tapos pumunta sa SM para maghanap ng monopod.. Tapos naglakad lakad kasama sila Yelle at Jovie.. Tapos pumunta sa Hidalgo.. Nagtanong tanong lang ng mga bagay bagay.. Tapos ayan, nakabili ako nung cool na lata na lalagyan ng film!haha.. Tapos binilhan na rin ako ni yelle ng dalawang film(utang niya sakin) Tapos pumunta ako sa opis ni inay para sumabay ako sakanya pauwi, habang hinihintay ko siya, dumaan ako sa booksale, nakita ko yung libro na katulad nung hinihiram ko kay Dezza, yung tungkol kay Hitchcock, P10 lang, kaya binili ko na, para di nako hihiram.. Tapos bumili rin ako nung Childrens book (mahilig ako sa mga childrens book na may mga cool na illustrations)
Tapos naghanap ng bulaklak at cake sa katipunan, para regalo ng pinsan ko sa tita ko na may berdey ngayon.. Tapos umuwi na..
Sa mga regular na araw, wala namang nakakapagod sa mga ginawa ko.. Pero dahil nga ata sa may sakit ako, feeling ko pagod na pagod na pagod ako!T_____T



![January 21-22 [first production ngayong taon.]
SPONTANEITY.Hahabol kami para sa AVO(Ateneo Video Open). Kahapon yung deadline dapat, kaso napag alaman naming inextend pala hanggang 27. So ayun.Isang mabilis na pag brainstorm, pag paplano, at pagtawag ng tulong para makabuo ng entry..Shoot kami from saturday ng hapon, hanggang sunday ng umaga.. dirediretso.. nonstop.. from pre-prod to production..Madali lang yung story namin, ambilis lang ishoot kung tutuusin, kaso, dahil nga biglaan lang namin naisipan humabol, di kami nakagawa ng script at shotlist (kaya kami nagtagal at nahirapan), ang meron lang kami, eh yung story.. Kaya on the spot na pagpaplano.. Kapareho ng title ng film yung production na nangyari.. Spontaneity!haha.. Buti nalang maaasahan yung team na nabuo namin.. At buti nalang natapos namin.. Edit nalang..
Sa mga kasama kong sila Kenji, Jepoy, Dezza, Gerone, Chete, Nona, at Aron. Salamat.. Congrats satin..Apir![Di naman kami umaasang makakapasok, o manalo.. Bonus na yun.. masaya na kami na mabuo namin yung film..]](http://25.media.tumblr.com/tumblr_ly8yo6K5mA1qa9z3to1_500.jpg)




