Natulog ako kaninang madlaing araw, after mag Noche Buena, nang walang binubuksan na regalo(di ko pa nabili yung regalo ko sa sarili ko eh, baka bukas pa!hehe..)
At hindi ako nalungkot, kasi i’m too old for Santa Clause. Regalo ng parents ko? wala.. wala akong hiningi this year.. Masaya nakong ipinamili ako ni inay ng isusuot ko!(so malamang, yun na yun siguro)haha..
Pag gising ko, nagsimba, tapos diretso sa mga tito, tita, tapos pampanga, kila lola.. Gumising ako ng hindi nageexpect ng regalo kahit kanino, at hindi nageexpect ng aguinaldo galing sa kung kanino.. Feeling ko I’m too old for that!(shet! mumamature!)
Pero nagulat ako, nung pagdating namin sa mga relatives namin, eh meron akong mga gift na nakabalot sa ilalim ng Christmas tree! Di ko pa alam kung ano yung laman, pero nakangiti na ako.. Tapos nung ginigreet ko yung mga tito at tita ko, ninong, ninang,.. Halos lahat sila may iniabot parin sakin! At lahat biglang pabiro ng ‘pano ba yan? gagraduate ka na daw? edi next year kami na ang mamamasko sa’yo!’.. Haha.. wala lang! kainis lang! kung makapressure! eh pano kung di ako makapaghanap ng trabaho?:)) joke lang.. pero wala lang..
Ganun pala talaga, di talaga totoo yung sinasabi ng iba na para sa mga bata lang ang pasko! Bata man or matanda, pag pasko, pasko! nuff said!
…. tapos food tripan na lang maghapon!
HO HO HO! Merry Christmas sainyong lahat!
