Lampas dalawang dekada nakong nabubuhay. Pero kanina lang ako nakatuntong sa Manila Zoo. At masaya ako na sa pers taym ko eh kasama ko ang I’M: Inspire Me sa pagcelebrate ng kanilang anniversary!
So ako at ang aking mga kaibigan ay nagvolunteer para tumulong magpasaya sa mga bata ngayong araw na ‘to. Pakain at pasyal sa Zoo.
Ang balak ko nung una eh magshoot lang, magcover, kasi nga pers taym ko sa Manila Zoo, edi photo op na rin yun! Eh kaso, wala lang. Bigla akong may nakuhang bata.
Si Micheal Selis
Sabi ko, ayos lang, magshushoot nalang ako habang binabantayan at pinapasyal si Micheal sa Zoo. Kaso! pakshet, napaka kulit ng batang ‘to, mabati, pero malikot!haha.. Kaya di kineri ng powers ko na magshoot habang nagbabantay.. Kelangan focus, kasi kung saan saan pumupunta!haha.. Hipster din ‘tong batang ‘to. Di ko man maipaliwanag kung paano. Pero masasabi kong kakaiba siya sa lahat ng andun..Kahit nahirapan ako at napagod, masaya akong siya yung nakuha kong alaga..:)
Eto pa yung ibang mga bata na lumapit sakin, bago umuwi. Mga nagsialisan na kasi yung mga kuya/ate for the day nila habang hinihintay yung sundo nila..
Si Rose Marie 
Buong araw nakatingin sa buhok ko, tinatanong kung totoo ba daw. mukha daw kasing wig! leche!hahaha.
Si Eliza at Si John


Na bigla bigla nalang hinila yung mga kamay ko. nagpapasama na maglibot pa sa Zoo. Kasi nga ang tagal pa daw nung van na susundo sakanila. tapos umalis na yung mga bantay nila. Di ko alam kung bat ako ang napagtripan nila!haha..
At si John LLoyd
Na bigla bigla namang tumalon sa harap ko habang nakaupo kami, iniabot sakin ang bag at dala niyang mga regalo. Pahawak daw. kasi napapagod na siya.haha.. Sabay kapit sakin, yumakap ant humiga higa! Di ko din alam kung bat ako ang nakita niya.. Gusto ko rin ‘tong batang ‘to kasi ang bibo, ang daming alam, malambing, tapos nung pinicture-an ko siya, nagulat ako kasi hiniram niya yung camera ko, siya din daw magpipicture!haha.. Hiniram din niya yung camera nung iba kong mga kasama, at nagkukuha kuha siya! cool! pumpotograpi!:) Sana naging alaga ko din ‘to, ayos lang kahit dalawa sila ni Micheal!haha..
At teka! eto pa palang dalawa! di pwedeng makalimutan, dahil sa cool nilang mga palayaw!
Si Sakto at si Naruto
O diba ayos sa pangalan?! gusto ko rin ng ganung nickname!hahahaha..
Si Sakto magaling sumayaw! pramis! bida sa dance floor! Si Naruto di ko masyadong nasubaybayan! pero mukhang bibo kid din!haha..
Marami pang mga bata! as in madami talaga, kaso sila lang yung mga medyo napalapit sakin. Kasi nga kanya kanya kaming alaga..hehe..
So ayun lang.. Nakakapagod lang mag alaga ng mga bata! Ang kukulit! Pero ang sarap sa feeling na kahit papaano ay may natulungan at napasaya kami! Oh yeah!

Kaya watch out for more. Support. Sali din kayo next time!:)
Mabuhay ang I’M: Inspire Me.