Di ko alam kung bakit minsan mas masarap talaga tumambay sa bahay ng iba, kesa sa sarili mong bahay. Parang kanina, di ko alam kung pagod lang ako, pero parang ayoko ng umuwi, yung mga kasama ko kagabi, umalis na, kasi may mga lakad pa.. Pero ako, nagstay pako kila yelle, tinatamad nga kasi akong umalis pa, tsaka hinihintay ko pa si jobi! kukunin ko kasi yung hard drive ko sakanya, eh ang tagal niya! tss! Sorry yulot sayo yelle, nag extend ako ng tambay!hahaha..
Pero dumating din yung oras, na kelangan ko ring umuwi, nakipagkita na ako kay jobi sa megamall.. Tapos naglakad ng naglakad ng naglakad, hinintay ko na kasi tatay ko, 2pm palang, 4pm labas niya.. Kaya kung saan saan nalang ako tinangay nung sapatos ko, pampaubos oras.. Umabot pa akong St. Francis Square.. Tas dun nalang kami umupo muna ni jobi..
Tapos dumating na yung 4pm! whoo! sa wakas! papunta na ako sa opis ng tatay ko, kasi nga sabay nako sakanya umuwi.. sakto ambigat ng dala ko!
At habang naglalakad ako papunta sakanya, napamura ako bigla! naalala ko, thursday nga pala ngayon! coding yung sasakyan! naknangboogie! ganun din, nag commute din kami ng tatay ko! sana pala di ko na siya hinintay nakauwi pa sana ako agad sa bahay at nakapagpahinga!T_________T
