photo-blog ni siops. ..

Photo
Dami ko nanamang pagod. Daming gagawin. kahighblood!haha..Nagising ako ng 9. Pupunta sana sa skul para makipaglunch with friends, pero di natuloy, kasi di pwede yung iba. So bukas nalang daw! sakto nasa skul karamihan! yehey!:DSo pinuntahan ko nalang tatay ko sa opisina, kasi ipapaayos ko na si kyle(PC). Eh nakalimutan kong sabihan kagabi, kaya di naisakay sa sasakyan si Kyle. Nagcommute tuloy ako hanggang ortigas ng buhat buhat yung CPU! eh maulan pa naman!so ayun! imagine.Bago kami pumunta sa greenhills, inutusan muna ako ng tatay ko na pumunta sa Makati, tsaka sa Manila, para kumuha ng checke na binayad sakanya nung kung saan mang kumpanya yun! So commute commute commute.. Ayos lang sana, kaso leche nga yung panahon, ulan dito, ulan dun!Hanggang sa nakabalik ako ng ortigas. Pumunta na kami sa greenhills. Tapos ayos na si Kyle! yehey!:)Tapos pauwi na sana kami, kaso nagpaiwan ako, kasi imimeet ko pa yung kaibigan ko sa megamall, para ibigay yung regalo ko sakanya!:) Tapos dumaan kami sa hospital, kasi andun yung opismate niya, sinamahan ko nalang din..  Gusto ko pa sana magstay para sabay na kami umuwi.. Kaso may kailangan pakong gawin! Kaya umuwi nako.. sayang!:( Zoom

Dami ko nanamang pagod. Daming gagawin. kahighblood!haha..
Nagising ako ng 9. Pupunta sana sa skul para makipaglunch with friends, pero di natuloy, kasi di pwede yung iba. So bukas nalang daw! sakto nasa skul karamihan! yehey!:D

So pinuntahan ko nalang tatay ko sa opisina, kasi ipapaayos ko na si kyle(PC). Eh nakalimutan kong sabihan kagabi, kaya di naisakay sa sasakyan si Kyle. Nagcommute tuloy ako hanggang ortigas ng buhat buhat yung CPU! eh maulan pa naman!so ayun! imagine.
Bago kami pumunta sa greenhills, inutusan muna ako ng tatay ko na pumunta sa Makati, tsaka sa Manila, para kumuha ng checke na binayad sakanya nung kung saan mang kumpanya yun! So commute commute commute.. Ayos lang sana, kaso leche nga yung panahon, ulan dito, ulan dun!
Hanggang sa nakabalik ako ng ortigas. Pumunta na kami sa greenhills. Tapos ayos na si Kyle! yehey!:)

Tapos pauwi na sana kami, kaso nagpaiwan ako, kasi imimeet ko pa yung kaibigan ko sa megamall, para ibigay yung regalo ko sakanya!:) Tapos dumaan kami sa hospital, kasi andun yung opismate niya, sinamahan ko nalang din..  Gusto ko pa sana magstay para sabay na kami umuwi.. Kaso may kailangan pakong gawin! Kaya umuwi nako.. sayang!:(

View comments
Posted on Tuesday, January 3 2012.

photo-blog ni siops. .. A photo-a-day keeps my troubles away..
Previous Next