Gumising ako kanina ng may galak saking damdamin! Kasi ngayon ang araw na makakabili na ako ng tarneybol! Matagal ko ng pinapangarap yun! At kahapon, eh nakakita daw si JC sa may Buendia, sa halagang P500! Syet! Syempre pupuntahan ko kagad at ichecheck out yun!
Nagkita kami ng 12, tapos tingin tingin! At ayun! sa huli, nabili ko rin siya sa wakas! P500 lang! Kaso walang speakers yun, tsaka 110V ang saksakan.. Pero ayos lang! kasi may speakers naman kami sa bahay at transformer!WHOOOO!
Eksayted nakong umuwi para masubukan yung bago kong baby. Kaso may meeting pa kami ng 3pm, para sa outbound trip namin! Masaya yung meeting! eksayted nako mamundok ulit! whooooo!
At ang panghuli, yung binondo trip naming matagal ng pinaplano! di nanaman natuloy! napadpad kami sa UniversityMall sa Taft. Dun nalang kami nag foodtrip.. Nakipag conyo-han kunwari sa mga tao dun! Like you know, we went to this place, and it’s like super cool, because the food are masarap.. Plus we all had fun, with all the tawanan and all..:) Hahahaha.. Maderpaker! Pero syempre oa lang ako! Di talaga kami nakipag conyo-han, si Miggy lang may carry samin nun!hahaha..
Di ako magsasawang kasama tong mga taong ‘to!:)
Feeling ko ang lakas lakas lakas lakas lakas lakas namin pag magkakasama kami! Di pa kami kumpleto niyan! Wala pa yung iba naming D2 tropa!:)
Mga nasa larawan:
[Ako, Nona, Jo]