photo-blog ni siops. ..

Photo
January 15-16 2012Mt. Banahaw [complex 1 & 2]
Yung klase namin, eh nag organize ng isang team building sana, para mga graduating class.. At ang napag desisyunan ng lahat, eh mag outbound camping sa Mt. Banahaw..Nung una, ang daming negative, ang daming ayaw sumama.. Iba’t-ibang dahilan, merong mga ayaw payagan ng magulan, merong mga ayaw sumama dahil graduating daw kami, at lapitin sa mga aksidente etc., merong mga wala daw kasing pera, merong mga may nakaschedule na job interviews, at kung anu-ano pang rason.. Pero sa kabila ng lahat, may mga sumama parin naman..Out of hmmm.. mga 40+, eh 19 lang kaming sumama, at hindi pa lahat ng yon eh kasama talaga sa official graduating class.. Medyo nakakadisappoint lang, kasi nga team building sana yun, time para makapag bonding at makilala ung iba naming mga kabatch.. kasi hindi kami masyadong nabigyan ng time na makilala ng lubos ang isa’t isa, kahit kilala ko sila ng almost 4 years na.. Pero ayos lang, di mo rin naman sila masisisi! Tsaka super enjoy naman!:)So nagsimula ang lahat nung linggo ng umaga, meeting place sa skul, 6am.. Kami nila Brian at Chad, eh natulog kila Miggy nung sabado para daanan nalang kami ng bus sa stop-over.. so mga around 630-7, nagkita kita na kaming lahat! Si gat nalang ang kulang, na sasalubungin kami sa tollgate sa kung saan!haha..At dahil excited kami nila Miggy, Brian at Chad kagabi, di kami nakatulog.. Kaya sa bus kami bumawi, tulog lang kami hanggang sa location..FIRST DAYETA:9AM.. Nagsimula na kaming maglakad..Unang destination, yung falls, nakalimutan ko yung pangalan, pero sagrado daw yun.. May mga sagradong lugar kasi sa Mt. Banahaw na kung tawagin ay ‘PWESTO’.. At ang unang pwedtong pinuntahan namin eh yung ilog nga, na grabe sa lamig! Alam niyo yung cooler na puno ng yelong natunaw? ganun! ilublob niyo yung kamay niyo dun, ganun kalamig! pramis! Pero naligo parin kami dun! After nun, umakyat kami sa soobrang tarik na hagdan! jusko! Yung malamig at basang mga damit namin, sa loob ng ilang minuto, napalitan ng pawis! ganun kahirap! Kinabahan kaming lahat, kasi di pa kami lumalayo, simula palang yun, tapos pagod pagod na kaming lahat!haha..Nagpahinga kami ng 5minutes, tapos game na ulit! papunta sa ikalawang pwesto..Yung pangalawang pwesto, yung Kalbaryo Cave, isang maliit na tunnel.. Lahat kami pumasok, sobrang dilim, sikip at sakit ng mga bato.. Pero nalampasan naming lahat.. Kahit na si Chad eh, nahubaran at napunitan ng shorts at boxers!haha.. Sabi nila, pag nakalabas ka ng walang sugat dun, tsaka pag umusok ka(sa science, sulfuric shit lang yun, pero sa banal na paniniwala, eh basbas daw yung usok) eh mapapatawad na daw yung mga kasalanan mo.. Eh umusok ako paglabas, at wala akon sugat? so pano yan?napatawad na ako! yehey!:)Dun narin kami sa labas ng tunnnel nag lunch break.. Tapos hike na ulit..
Papunta sa Krus! Eto sa may taas na ng bundok ‘to.. mga 1750ft above sea level lang.. Sobrang hirap, init, at ang tatarik ng mga batong inakyat namin! Pero nagsurvive kami! Nakarating kami dun ng mga 430 na.. Complex 1 palang yun!Pahinga, picture, then off to Complex 2 na!Nagsimula kami mga 5, natapos kami mga 630 ata? inabutan kasi kami ng dilim! kaya sobrang hirap! Ang lalaki pa ng mga bato, at downhill pa, kaya mas mahirap, onting dulas baka mahulog kami sa bangin, ang kati pa ng mga halaman!haha..so 5-630 na pakikipagsapalaran, ‘WALKING DISTANCE’ lang daw kasi, sabi nila kuya, sa tuwing tinatanong namin kung malapit na ba kami!At sa wakas, matapos ang ilang oras na ‘walking distance’ nakarating na kami sa campsite.. Tayo agad ng tent, linis linis, at di namin alam lahat kung paano kami maguunahan sa paghiga! Pero bago yun, naligo muna kami sa isa pang ilog, ang sarap lang! super lamig! mas malamig pa dun sa kanina! At ang sarap sa pakiramdam! tanggal lahat ng pagod! pramis!Pagkatapos maligo, syempre, kainan na! party party! masarap na adobo ang ulam namin! galit galit lahat, busy sa pagkain!haha.. Pero di pa nagtatapos ang lahat, syempre wala munang natulog, dahil may ‘socials’ pa..Masya, kwentuhan, onting inom, getting to know each other!haha.. Enjoy! Nakita pa namin yung ‘SWORDSMAN’ ni April!hahaha.. Pero di ko na ikukwento yung iba pang nangyaring party party, dahil sabi nga pag namumundok, ‘What you see, What you hear, When you leave, Leave it here’ (except yung mga kalat siyempre).. At tulugan na..:)SECOND DAYWake up time, 7AM.. Pero sa sobrang pagod at saya nung party, nawili ata sa pahinga, nag extend kami, 8AM na kami nagising lahat!haha..Habang nagluluto ng almusal yung nakatoka, pati sila kuya, kaming mga lalaki, naligo sa isa pang falls! Super ganda nung falls.. At as usual, malamig na sobra! pero di namin ininda, nasanay na ata kami!haha.. Naliligo kami na umuusok ang bibig sa lamig! Meron pang bato dun, na mga 3story high! Tapos leap of fate papunta sa malalim na batis! Sayang, di lahat kami nakatalon, kasi madulas yung bato, di kinaya nung iba, pero ako kinaya ko, hehehe..(oo pinagyayabang ko!) Kasi di ko inakalang magagawa ko yung mga nakiita ko lang sa movies!haha..Atleast may ikukwento nako sa anak ko, na minsan sa buhay ko, nakatalon ako sa ganun!So after nun, balik base camp, almusal na! sobrang sarap na almusal, Thank you sa luto nila kuya!:) Tapos, ayos ng gamit.. ligpit ng tent! then boom! off we go!Last trip, sa isa pang Cave(leche, nakalimutan ko na yung mga pangalan, dapat pala sinulat ko!haha) ‘walking distance’ lang ulit galing sa campsite.. Pero eto, mas malaki, pwesto din, kaya sagrado din, man made cave.. Pinaliguan lang kami, parang bininyagan! blessing!:)Tapos pabalik na sa base camp, kung san kami nagsimula, kung san kami binaba ng coaster, dun na kami nag ligo to the max, palit damit, at naglunch.. Napakasarap na galunggong at Sinigang!hahaha.. Di ko alam kung super galing ni manang magluto, or gutom lang kaming lahat!haha.. Pero masarap nga!:)
3pm. Malungkot mang sabihin, pero kailangan na naming umuwi.. Tapos na ang lahat. Balik nanaman sa realidad.. Kung pwede lang manirahan dun, mas simple ang buhay.. Mas masarap ang hangin, mas natural ang lahat..Maraming Salamat Mt. Banahaw sa experience! Maraming salamat kila kuya Jan, John, at OJ, nag nag facilitate samin, at iningatan kaming lahat.. Kila manang, na nagluto ng hapunan at lunch namin.. Kay manong driver na nag sundo at hatid samin.. Kay ate Monchee na sinaluhan kami sa paglalakbay.. At syempre sa mga co-campers ko na sumama, at nagpakumpleto sa trip na ‘to!:)Camper Brian, Camper Chad, Camper Miggy, Camper Nine, Camper Yelle, Camper Gat, Camper Coco, Camper Pau, Camper Karl, Camper Ronan, Camper Tine, Camper Met, Camper Ted, Camper Den, Camper April, Camper Mark, at Camper Joshua..Saludo ako sating lahat! Naconquer natin ang complex 1&2 ng Mt. Banahaw!Next stop, Mt. Pulag naman! Whooo! Letsgo!:)(Salamat nga pala kay Den sa picture, hiniram ko lang.. Dilm camera kasi dinala ko, di pako nakapag process.. Palitan ko nalang Soon) Zoom

January 15-16 2012
Mt. Banahaw [complex 1 & 2]

Yung klase namin, eh nag organize ng isang team building sana, para mga graduating class.. At ang napag desisyunan ng lahat, eh mag outbound camping sa Mt. Banahaw..
Nung una, ang daming negative, ang daming ayaw sumama.. Iba’t-ibang dahilan, merong mga ayaw payagan ng magulan, merong mga ayaw sumama dahil graduating daw kami, at lapitin sa mga aksidente etc., merong mga wala daw kasing pera, merong mga may nakaschedule na job interviews, at kung anu-ano pang rason.. Pero sa kabila ng lahat, may mga sumama parin naman..
Out of hmmm.. mga 40+, eh 19 lang kaming sumama, at hindi pa lahat ng yon eh kasama talaga sa official graduating class..
Medyo nakakadisappoint lang, kasi nga team building sana yun, time para makapag bonding at makilala ung iba naming mga kabatch.. kasi hindi kami masyadong nabigyan ng time na makilala ng lubos ang isa’t isa, kahit kilala ko sila ng almost 4 years na.. Pero ayos lang, di mo rin naman sila masisisi! Tsaka super enjoy naman!:)

So nagsimula ang lahat nung linggo ng umaga, meeting place sa skul, 6am.. Kami nila Brian at Chad, eh natulog kila Miggy nung sabado para daanan nalang kami ng bus sa stop-over.. so mga around 630-7, nagkita kita na kaming lahat! Si gat nalang ang kulang, na sasalubungin kami sa tollgate sa kung saan!haha..
At dahil excited kami nila Miggy, Brian at Chad kagabi, di kami nakatulog.. Kaya sa bus kami bumawi, tulog lang kami hanggang sa location..

FIRST DAY
ETA:9AM.. Nagsimula na kaming maglakad..Unang destination, yung falls, nakalimutan ko yung pangalan, pero sagrado daw yun.. May mga sagradong lugar kasi sa Mt. Banahaw na kung tawagin ay ‘PWESTO’.. At ang unang pwedtong pinuntahan namin eh yung ilog nga, na grabe sa lamig! Alam niyo yung cooler na puno ng yelong natunaw? ganun! ilublob niyo yung kamay niyo dun, ganun kalamig! pramis! Pero naligo parin kami dun! After nun, umakyat kami sa soobrang tarik na hagdan! jusko! Yung malamig at basang mga damit namin, sa loob ng ilang minuto, napalitan ng pawis! ganun kahirap! Kinabahan kaming lahat, kasi di pa kami lumalayo, simula palang yun, tapos pagod pagod na kaming lahat!haha..
Nagpahinga kami ng 5minutes, tapos game na ulit! papunta sa ikalawang pwesto..
Yung pangalawang pwesto, yung Kalbaryo Cave, isang maliit na tunnel.. Lahat kami pumasok, sobrang dilim, sikip at sakit ng mga bato.. Pero nalampasan naming lahat.. Kahit na si Chad eh, nahubaran at napunitan ng shorts at boxers!haha.. Sabi nila, pag nakalabas ka ng walang sugat dun, tsaka pag umusok ka(sa science, sulfuric shit lang yun, pero sa banal na paniniwala, eh basbas daw yung usok) eh mapapatawad na daw yung mga kasalanan mo.. Eh umusok ako paglabas, at wala akon sugat? so pano yan?napatawad na ako! yehey!:)
Dun narin kami sa labas ng tunnnel nag lunch break.. Tapos hike na ulit..

Papunta sa Krus! Eto sa may taas na ng bundok ‘to.. mga 1750ft above sea level lang.. Sobrang hirap, init, at ang tatarik ng mga batong inakyat namin! Pero nagsurvive kami! Nakarating kami dun ng mga 430 na.. Complex 1 palang yun!Pahinga, picture, then off to Complex 2 na!
Nagsimula kami mga 5, natapos kami mga 630 ata? inabutan kasi kami ng dilim! kaya sobrang hirap! Ang lalaki pa ng mga bato, at downhill pa, kaya mas mahirap, onting dulas baka mahulog kami sa bangin, ang kati pa ng mga halaman!haha..
so 5-630 na pakikipagsapalaran, ‘WALKING DISTANCE’ lang daw kasi, sabi nila kuya, sa tuwing tinatanong namin kung malapit na ba kami!
At sa wakas, matapos ang ilang oras na ‘walking distance’ nakarating na kami sa campsite.. Tayo agad ng tent, linis linis, at di namin alam lahat kung paano kami maguunahan sa paghiga! Pero bago yun, naligo muna kami sa isa pang ilog, ang sarap lang! super lamig! mas malamig pa dun sa kanina! At ang sarap sa pakiramdam! tanggal lahat ng pagod! pramis!
Pagkatapos maligo, syempre, kainan na! party party! masarap na adobo ang ulam namin! galit galit lahat, busy sa pagkain!haha.. Pero di pa nagtatapos ang lahat, syempre wala munang natulog, dahil may ‘socials’ pa..
Masya, kwentuhan, onting inom, getting to know each other!haha.. Enjoy! Nakita pa namin yung ‘SWORDSMAN’ ni April!hahaha.. Pero di ko na ikukwento yung iba pang nangyaring party party, dahil sabi nga pag namumundok, ‘What you see, What you hear, When you leave, Leave it here’ (except yung mga kalat siyempre).. At tulugan na..:)

SECOND DAY
Wake up time, 7AM.. Pero sa sobrang pagod at saya nung party, nawili ata sa pahinga, nag extend kami, 8AM na kami nagising lahat!haha..
Habang nagluluto ng almusal yung nakatoka, pati sila kuya, kaming mga lalaki, naligo sa isa pang falls! Super ganda nung falls.. At as usual, malamig na sobra! pero di namin ininda, nasanay na ata kami!haha.. Naliligo kami na umuusok ang bibig sa lamig! Meron pang bato dun, na mga 3story high! Tapos leap of fate papunta sa malalim na batis! Sayang, di lahat kami nakatalon, kasi madulas yung bato, di kinaya nung iba, pero ako kinaya ko, hehehe..(oo pinagyayabang ko!) Kasi di ko inakalang magagawa ko yung mga nakiita ko lang sa movies!haha..Atleast may ikukwento nako sa anak ko, na minsan sa buhay ko, nakatalon ako sa ganun!

So after nun, balik base camp, almusal na! sobrang sarap na almusal, Thank you sa luto nila kuya!:) Tapos, ayos ng gamit.. ligpit ng tent! then boom! off we go!

Last trip, sa isa pang Cave(leche, nakalimutan ko na yung mga pangalan, dapat pala sinulat ko!haha) ‘walking distance’ lang ulit galing sa campsite.. Pero eto, mas malaki, pwesto din, kaya sagrado din, man made cave.. Pinaliguan lang kami, parang bininyagan! blessing!:)

Tapos pabalik na sa base camp, kung san kami nagsimula, kung san kami binaba ng coaster, dun na kami nag ligo to the max, palit damit, at naglunch.. Napakasarap na galunggong at Sinigang!hahaha.. Di ko alam kung super galing ni manang magluto, or gutom lang kaming lahat!haha.. Pero masarap nga!:)

3pm. Malungkot mang sabihin, pero kailangan na naming umuwi.. Tapos na ang lahat. Balik nanaman sa realidad.. Kung pwede lang manirahan dun, mas simple ang buhay.. Mas masarap ang hangin, mas natural ang lahat..

Maraming Salamat Mt. Banahaw sa experience! Maraming salamat kila kuya Jan, John, at OJ, nag nag facilitate samin, at iningatan kaming lahat.. Kila manang, na nagluto ng hapunan at lunch namin.. Kay manong driver na nag sundo at hatid samin.. Kay ate Monchee na sinaluhan kami sa paglalakbay.. At syempre sa mga co-campers ko na sumama, at nagpakumpleto sa trip na ‘to!:)

Camper Brian, Camper Chad, Camper Miggy, Camper Nine, Camper Yelle, Camper Gat, Camper Coco, Camper Pau, Camper Karl, Camper Ronan, Camper Tine, Camper Met, Camper Ted, Camper Den, Camper April, Camper Mark, at Camper Joshua..

Saludo ako sating lahat! Naconquer natin ang complex 1&2 ng Mt. Banahaw!
Next stop, Mt. Pulag naman! Whooo! Letsgo!:)


(Salamat nga pala kay Den sa picture, hiniram ko lang.. Dilm camera kasi dinala ko, di pako nakapag process.. Palitan ko nalang Soon)

View comments
Posted on Sunday, January 15 2012.

photo-blog ni siops. .. A photo-a-day keeps my troubles away..
Previous Next