photo-blog ni siops. ..

Video

January 24-26 | UDYOK (post production)

Simula nung tuesday hanggang thursday, nagstay ako kila Jepoy para iedit yung shinoot naming film last weekend. Yung ‘SPONTANEITY’, na ngayon eh ‘UDYOK’ na.
Malapit lag samin sila jepoy, mga 5-10 min. drive lang.. So sakanila kami nag edit kasi naka MAC siya! Siya na!

Dumating ako sakanila nung 24 ng gabi, kasi galing pakong skul at nakipagkita sa aking mga prends, tapos onting foodtrip, kaya ayun, ginabi na ako..

Anyway, so ayun nga.. Sakanila ako natulog, tapos umuuwi lang ako sa gabi, mga 9, para maligo at magdownload ng mga kailangan para sa pag edit, wala kasi silang internet!haha.. tapos babalik ako ng mga 11-12.. Tapos edit na ulit..

Nakakapagod mag edit, kasi nga wala naman kaming formal na shotlist na pag babasihan, wala ring storyboard, lahat nasa utak ko lang, eh ang hirap din mag isip pag kulang kulang ang tulog! Idagdag mo pa ‘tong mga alaga nila Jepoy! Meron silang mga 9 ata or 11 na aso.. chihuahua lahat, tsaka isang mini pinscher..
Lahat sila tahol lang ng tahol kung kelan gumagawa kami.. Tapos pag break time at nap time, dun din sila nakikinap, parang nananadya!haha..

Takot ako sa aso! oo takot ako, kaya imagine-in niyo nalang yung stress level ko habang nageedit tapos may ali aligid na aso sakin na kumakahol pa..
Kaya ko naging paborito si Myxx(first picture). Kasi siya lang yung nakatitig lang sakin, pinapanood niya lang ako, pero di niya ako tinatahulan, tsaka parang takot siya sakin pag gumagalaw ako, napaka tahimik na aso! bagay kami! Kung magaalaga man ako ng aso gusto ko katulad lang niya, nakatitig at nagpapacute!
Eto namang sina Chippy(brown sa second picture) at si Dos(black sa 2nd picture), jusko! di ko alam kung anong nagawa ko sakanila! Simula nung pagdating ko dun hanggang paguwi ko, laging nakabantay, tatayo lang ako sa upuan, tatahulan na ako(well, si dos lang, pero nakikijam si chippy). Mabait sana si Chippy, tahiimk lang din at walang pakialam sakin, kaso pag tumahol na si Dos, na pipeer pressure ata, napapasama! tae!

Pero, matapos ang 3 gabing puyatan at pakikipaglaban ko sa mga aso.. Natapos naman namin yung ginagawa namin..hahaha.. Deadline, 27! go!

View comments
Posted on Tuesday, January 24 2012.
5
Notes
  1. snuwi liked this
  2. stellaastela liked this
  3. muntingprinsipe liked this
  4. aybantot reblogged this from photosiops and added:
    Myxx(top), Chippy(bottom L), Dos(bottom R) (photosiops)
  5. photosiops posted this

photo-blog ni siops. .. A photo-a-day keeps my troubles away..
Previous Next