photo-blog ni siops. ..

Video

January 28-29 | Baguio City.

Bihira lang magouting yung angkan namin. Kasi busy, bihira lang mag kapare pareho ng free time, tsaka, kurpiot.Haha.. Well, di naman sa kuripot, praktikal lang!(Halimbawa, etong Baguio trip, kung normal na araw lang, hindi kami pupunta, kasi daw napuntahan naman na namin, kabayo, bike, mines view, burnham, etc..)

So ayun nga, bihira lang kami mag outing, at salamat sa kasal ni Tita Michelle, at kinailangan naming pumunta dun!haha..(Pero di ko parin talaga magets kung bakit sa Baguio pa napiling magpakasal nung tita ko, eh samantalang nasa Maynila lahat ng kamaganak namin! effort much!)

Wala namang bago sa Baguio, ganun parin yung mga attractions nila.. Maganda parin naman yung mga puno’t halaman, malamig parin..
Pero ang di ko inaasahang makita, eh kung gaano kaganda yung mga bahay na dikit dikit dun! Grabe! Ang favorite kong pinuntahan namin sa Baguio eh yung hotel na pinagstay-an namin, kasi kitang kita yung mga bahay na yan! Onti palang yan, kasi 50mm gamit ko, hindi nakuhaan lahat.. Pero grabe! Kung may wide angle lense lang sana ako! Ang ganda ganda ganda ganda sana nun sa litrato!hahaha..

haaay.. So ayun.. NOthing much!

Ay, natikman ko na pala yung Strawberry Taho! Sa wakas! Napakasarap! Dapat may ganun din sa Maynila!

View comments
Posted on Saturday, January 28 2012.
4
Notes
  1. marmurs liked this
  2. jeffreyangelo liked this
  3. beijingbetiablog liked this
  4. aybantot reblogged this from photosiops and added:
    Pinaka nagustuhan...strawberry taho. (photosiops)
  5. photosiops posted this

photo-blog ni siops. .. A photo-a-day keeps my troubles away..
Previous Next