Lunes na lunes, napagod ako. Di ko alam kung bakit. Siguro dahil sa kulang lang ako sa tulog, at dahil sa ubo’t sipon ko na namamahay na sa katawan ko ng mga isang linggo na..
Eto lang naman ang ginawa ko, pumunta ako sa skul ng mga 9-930, para magpasukat ng polo na gagamitin sa graduation.. Tapos tumambay sa lightroom.. Tapos nag lunch.. Tapos pumunta sa SM para maghanap ng monopod.. Tapos naglakad lakad kasama sila Yelle at Jovie.. Tapos pumunta sa Hidalgo.. Nagtanong tanong lang ng mga bagay bagay.. Tapos ayan, nakabili ako nung cool na lata na lalagyan ng film!haha.. Tapos binilhan na rin ako ni yelle ng dalawang film(utang niya sakin) Tapos pumunta ako sa opis ni inay para sumabay ako sakanya pauwi, habang hinihintay ko siya, dumaan ako sa booksale, nakita ko yung libro na katulad nung hinihiram ko kay Dezza, yung tungkol kay Hitchcock, P10 lang, kaya binili ko na, para di nako hihiram.. Tapos bumili rin ako nung Childrens book (mahilig ako sa mga childrens book na may mga cool na illustrations)
Tapos naghanap ng bulaklak at cake sa katipunan, para regalo ng pinsan ko sa tita ko na may berdey ngayon.. Tapos umuwi na..
Sa mga regular na araw, wala namang nakakapagod sa mga ginawa ko.. Pero dahil nga ata sa may sakit ako, feeling ko pagod na pagod na pagod ako!T_____T
