‘Where you relax’
Xempre, sa couch/kama ko.. sa kwarto ko.. San pa ba ako magrerelax?.. Sa tabi sana ni ano, kaso, di naman pwede yun palagi!hehe..
Last day na ng marchphotoadaychallenge? now what?hoho..
‘Where you relax’
Xempre, sa couch/kama ko.. sa kwarto ko.. San pa ba ako magrerelax?.. Sa tabi sana ni ano, kaso, di naman pwede yun palagi!hehe..
Last day na ng marchphotoadaychallenge? now what?hoho..
Last day ng 2011. Maya maya, 2012 na. year of the dragon.
At sa pagtatapos ng taon na ‘to, ay lintek, muntik pakong masugatan or maputulan ng daliri!
Nakita niyo yung dalawang piccolo na yan? pareho lang piccolo yan! pero magkaiba ng size, medyo mas malaki yung isa!
Yung maliit, matagal pumutok yan pagkasindi, mga 4-5 seconds siguro pagkasindi bago pumutok.. So yung mas malaki, feeling ko mas matagal, pero dun ako nagkamali! leche! mas mabilis pala yun! Eh nung pinaputok ko, binabad ko pa sakamay ko, tapos sakto pagkabitaw ko, pumutok habang nasa ere!
Nanginig ako amp! Kung nag extend pako ng ilang mga micro seconds sa paghawak eh mapuputukan na yung kamay ko! Buti nalang hindi!O_o
So ayun lang, maliban din sa insidenteng yun kaniana.. Eh busy kami lahat dito sa bahay, nagpeprepare sa pagsalubong ng bagong taon.
At bago matapos ang taon, nais kong pasalamatan lahat ng nasa paligid ko, lahat ng prends ko, pati lahat ng mga kaaway ko(na wala naman ata) Salamat at naging parte kayo ng buhay ko ngayong 2011. Sa lahat ng tumulong sakin, sa lahat ng tinulungan ko, lahat ng nagmahal sakin, at minahal ko!hahahaha.. Tae..
Actually wala naman akong sasabihin talaga.. Nakikidrama lang ako kunwari sa ibang tao!hahaha..
Basta ang gusto ko lang sabihin eh, Happy New Year sainyong lahat mamaya.. At mag ingat kayo sa mga paputok! Sige kayo, baka mamaya, pag nagkataon, last niyo na yan!
Magbabagong taon na! Ikaw ba? magbago ka na rin! Baguhin mo lahat ng di kaaya-aya sayo!
Magbabagong taon na! Humanda ka!